Kaya naman ang tanong ngayon ay bakit ako gumawa ng kwadro para sa ilang larawan namin?
Naisip kong magandang palamuti sa simpleng dingding ang mga ito. Maganda din silang paalala na maganda ang mga nangyari sa iyong kahapon at pwede mo pang gawing mas masaya ang ngayon at bukas.
Dadalawa pa lang itong nailagay ko sa kwadro. Umaasa akong mapapadami ko pa ito dahil ang dalawang larawan sa dingding ay hindi sapat na palamuti.
Ang mga materyales na ginamit ko dito ay:
• Karton ng gatas
• Makukulay na papel
• Double-sided tape
• Glue
• Gunting
Nagpa-print ako ng ilang larawan namin sa Instagram para maipadala sa aking mga magulang sa ibang bansa. Ang natira lang sa akin ay dalawang piraso. Ito ang mga ilalagay ko sa kwadro.
Iginuhit ko ang sukat ng litrato sa karton ng gatas. Mula sa bawat guhit na yon ay sumukat ako ng isang pulgada palayo at saka ito ginupit. Ang nagupit na karton ang ginamit ko para maiguhit ang sukat nito sa makulay na papel. Saka naman ako nagsukat ng isang pulgada at isang sentimetro papasok upang makagawa ng butas sa gitna. Idinikit ko ang larawan sa karton gamit ang double-sided tape.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento