Biyernes, Nobyembre 14, 2014

Ulan at Bahaghari / Rain and Rainbow (board game)


Isang maulang umaga ang bumungad sa akin ngayon. Iniisip ko pa man ding pumunta ng Divisoria o ng Cubao. Kaya heto, parang sinasadya ng panahon na bumalik uli ako sa pag-DIY.

Nakuha ko ang inspirasyon para sa board game na ito dito. Pero sa halip na i-print ko lahat ng kailangan sa board game, nag-water color painting na lang ako.

Mga materyales:
• (1) 10" x 10" illustration board
• (1) 10" x 10" cartolina (puti)
• (1) card paper (para sa bahaghari at sa mga tauhan ng board game)
• watercolor paint at brush

Paraan ng paggawa:

Ang larong ito ay kagaya ng Snakes & Ladders.

1. Gumawa ng tig-2" na mga parisukat pahalang at pahaba sa cartolina. Pintahan ng kulay asul ang isang parisukat at lagpasan ang bawat kasunod nito.

2. Gumuhit ng ulap at ulan at kulayan ito ng itim.

3. Gumupit ng 1" x 8.5" na strip mula sa card paper. Kulayan ito ng mga kulay ng bahaghari (ROYGBV=red, orange, yellow, green, blue, violet).

4. Gumawa ng lusutan ng bahaghari sa cartolina gamit ang cutter. Pagkalusot ng isang dulo ng bahaghari, idikit ito sa ilalim gamit ang glue para masigurong hindi matatanggal mga bahaghari kapag naglaro na sa board na ito. Kapag naikabit na lahat ng bahaghari, idikit ang cartolina sa illustration board.

5. Sa paggawa naman ng tauhan: gumupit ng 1" x 7" strip mula sa card paper. Sukatin ang gitna nito at guhitan ng tatsulok na tenga. Gupitin ang tatsulok maliban sa base nito saka tupiin.

6. Itupi ang bawat dulo ng mga isa hangang isa't kalahating pulgada at saka pagdikitin.

7. Guhitan ng mata saka ito kulayan.

8. Para mas makulay pa, gumamit ako ng gold glitter glue para sa mga numero sa bawat parisukat.

Roll the dice at simulan na ang paglalaro ng Ulan at Bahaghari. Maligayang weekend!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento