Minsan kapag mamamalengke ako, gusto ko lang ng isang maliit na paglalagyan ng cellphone at pera ko. Yung tipong nakasabit lang sa kamay ko o kaya naman yung madaling isiksik sa bulsa ng shorts ko. Kaya heto, gumawa ako ng cellphone pouch na kakasya din naman ang pera at may hawakan sya na pwede isuot sa kamay.
Nahihilig ako sa paglalagay ng lining sa mga tinatahi kong bag o pouch na kagaya nito. Para sa'kin mas malinis tignan yung bag o pouch kapag may lining sya. Mas matrabaho pero sulit naman.
Ang mga materyales na ginamit ko dito ay dalawang uri ng tela at velcro. Mas maganda kung yung dalawang magkaibang tela ay halos magkapamilya naman sa kulay. Pero kung solid naman ang kulay ng mga tela, maaaring magkapareho ng hues o kaya naman ay magkasalungat sila ng mga kulay.
Paraan ng paggawa:
1. Nilapat ko ang cellphone ko sa tela para pag-basehan ng sukat. Mga anim na pulgada palapad at mga labindalawang pulgada pahaba (kasama na ang mga palugit para sa pagtatahi).
2. Bago ko tinahi ang mga tela, pinwesto ko muna ang mga velcro para yung ilalim na tahi ay hindi kita sa finish product. Para magawa ito, paglapatin muna ang mga tela sa kung paano ang magiging itsura nila pag tapos na. Saka markahan ang pupwestuhan ng mga velcro. Hindi ko alam kung may patakaran sa pagpwesto sa mga velcro pero naisip kong mas maiging nasa taas yung magaspang na velcro at sa baba yung malambot para mas madaling buksan.
3. Pagkatahi ng mga velcro ay pagharapin ang mga tela para ang nakikita natin yung likurang parte nila. Saka ito tahiin sa gilid pero iwanang hindi nakatahi ang isang gilid nito para may butas tayo sa pagbaliktad ng tela.
Kapag nabaligtad na ang tela, itiklop paloob yung parteng butas saka tahiin (gaya ng closeup na'to). |
Ayan, may pouch na tayo para cellphone. :) Maligayang pananahi!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento