Huwebes, Oktubre 16, 2014

Ang malambot na elepante / The soft elephant


Eto ang unang beses kong gumawa ng isang plushie. Syempre umisip muna ko ng madaling gawin. At naisip kong gumawa ng elepante.


Karamihan sa mga telang ginagamit ko ay galing sa mga lumang damit na di ko na nasusuot. Kaya naman karaniwang nalilimitahan ako sa sukat ng gagawin kong proyekto. Pero dahil din dun kaya ako na-cha-challenge na mag-isip ng kung ano lang ang meron ako sa ngayon.

Ang mga materyales na ginamit ko dito ay:
• Tatlong klase ng tela (pero pwede din namang dalawa o isa lang, depende sa gusto nyong kalabasan)
• Fiberfill (malambot na inilalagay sa loob ng stuffed toys o plushies)
• Butones para sa mga mata
• Sinulid at karayom

Paraan ng paggawa:
1. Gumawa ng pattern. Maraming libreng pattern sa internet pero pwede ka ring maging imaginative at gumawa ng sarili mong pattern.

2. I-pin ang pattern sa tela at sundan ito sa paggupit. Maglaan ng mga 0.25" na layo mula sa pattern bilang palugit sa pagtatahi.

3. Tahiin ang mga tela. Mag-iwan ng butas upang maibaligtad ang tela. Pagkabaligtad ay lagyan ng fiberfill ang loob.


4. Ikabit ang mga tenga.


5. Itahi ang mga mata ng elepante.


Marahil ay gagawa pa'ko ng ilan pang plushie para sa ilang batang reregaluhan ko ngayong Pasko. Oo, ako na si Santa! :P


Ano kayang magandang ipangalan sa kanya?



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento