Miyerkules, Oktubre 15, 2014

Bahay na karton / Carton house


May dalawa akong anak at pareho silang babae. Pero hindi tadtad ng kulay rosas ang bahay namin. Wala din silang koleksyon ng Barbie at Hello kitty. Mas nahilig sila sa mga umaandar na laruang kotse at sa mga dinosaurs at dragons.

Ngayong hapon naisipan ko namang turuan ang panganay kong anak kung paano gumawa ng bahay gamit lang ang karton nya ng gatas.

Eto ang mga ginamit namin:

Ginupit ko lang yung mga takip sa taas at baba. Tapos, ginupit ko yung isang kanto para mailatag ko yung karton.

Gumuhit ako ng bintana at pintuan tsaka ko ito ginupit. Dahil yung may print ang nasa loob ng "bahay" dinikitan ko 'to ng telang bulaklakin na pinili ng anak ko. Tapos gumupit din ako ng kapirasong tela bilang kurtina sa bintana. Naglagay ako ng maliit na bangko sa loob at "TV" na hiling ng anak kong ilagay din sa loob ng bahay. Gumupit uli ako mula sa isa pang karton para sa bubong ng bahay.


Isang masayang bonding naming mag-ina at paraan ko na rin para maiiwas sya sa ipad at TV.


Natuwa ang bata (oo, pati din akong nanay) sa aming bagong bahay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento